-- ADVERTISEMENT --

Hindi na ikinagulat ni dating Senate President Franklin Drilon ang unanimous support na nakuha ng impeachment complaint laban kay VP Sara Duterte mula sa mga miyembro ng House Justice Committee.

Kung babalikan ang naging botohan sa House panel kahapon (April 29), nagresulta ito sa 53-0 o pawang pumabor ang mga miyembro ng komite para umusad ang reklamo sa plenaryo.

Ayon kay Drilon, tiyak na inaasahan din ng mas nakararaming Pilipino ang naging resulta ng botohan.

Posible rin aniyang ito ang dahilan kung kaya’t mas pinili ng kampo ni VP Sara na hindi na dumalo sa pagdinig ng komite – dahil batid nilang walang susuporta sa kanila sa kabuuan ng hearing.

Naniniwala rin si Drilon na magiging madali na lamang para malagpasan ng consolidated impeachment complaint ang plenaryo ng Kamara matapos ang unanimous support ng justice panel.

-- ADVERTISEMENT --

Ngayon pa lamang aniya ay tiyak nang makakakuha ito ng sapat na suporta upang tumuloy sa Senado.

Sa kabila nito, naniniwala rin ang dating presidente ng Senado na magiging pahirapan pa rin ang pagkuha ng sapat na boto sa mataas na kapulungan na magsisilbi bilang impeachment court kung sakali mang tutuloy ang kaso sa full trial.

Kung ibabatay aniya sa kasalukuyang komposisyon ng mataas na kapulungan, lumalabas na aabot sa siyam na senador ang pumapabor kay VP Sara – dahilan upang magiging pahirapan ang pagkuha ng suporta para sa conviction.