-- ADVERTISEMENT --
Nakamit ni Karl Eldrew Yulo ang bronze medal sa horizontal bar finals sa Cairo leg ng Artistic Gymnastics World Cup noong Lunes na dumagdag sa kanyang medal tally para sa Pilipinas.
Ito na ang ikalawang bronze medal ni Yulo sa Cairo, matapos makuha ang third place sa floor exercise finals noong Linggo.
Nakapuntos ang batang gymnast ng 13.733 sa horizontal bar, na halos dikit lang nina Li Hongyan na nanalo ng ginto na may 14.400, at Marios Georgiou na kumuha ng silver na may 13.900.
Screengrab from Gymnastics Association of the Philippines / FB
Noong nakaraang buwan sa Antalya leg ng World Cup, napanalunan ni Yulo ang gold medal sa floor exercise.











