-- ADVERTISEMENT --

Papayagan na ng Department of Energy (DOE) ang pansamantalang paggamit ng mga sasakayan ng Euro2 petroleum products para sa mga piling mga sasakyan at sa mga industriya para matiyak ang suplay ng fuel sa bansa.

Ang temporaryong paggamit ng Euro 2 fuels na may mataas na emissions ay limitado lamang sa mga sasakyan na ang models ay mula 2015 pababa.

Magagamit ito sa mga tradisyonal na mga sasakyan at mga industrial use gaya sa mga powerplants at generators, marine at shipping industry.

Sinabi ni Energy Secretary Sharon Garin na gumagawa sila ng temporaryong hakbang para matiyak ang sapat at accessible na fuel supply sa mga sectors na naglalaan ng limitadong flexibility ngayong panahon.