-- ADVERTISEMENT --

Pormal nang hinirang bilang ikatlong supreme leader ng Iran ang 56-anyos na si Mojtaba Khamenei, kasabay ng paglulunsad ng bansa ng missiles laban sa Israel bilang unang hakbang ng kanyang pamumuno matapos masawi ang kanyang ama.

Siyam na araw makaraang mapatay si Ayatollah Ali Khamenei sa isinagawang strikes ng Amerika at Israel, inanunsyo sa state television ng 88-member Assembly of Experts ang pagkakatalaga sa nakababatang Khamenei.

Iginiit ng naturang clerical body na hindi sila nag-atubili sa kanilang desisyon sa kabila ng sa kabila ng agresyon ng Amerika na itinuturing nitong kriminal.

Bilang pagpapakita ng pwersa, ipinalabas sa state media ang mga projectile na pinakawalan patungong Israel na may nakasulat na, At Your Command, Sayyid Mojtaba.

Bukod dito, nakarinig din ng mga pagsabog sa bansang Qatar, kung saan matatagpuan ang isang malaking air base ng Amerika.

-- ADVERTISEMENT --

Kilala ang bagong lider bilang isang hardliner na inaasahang magpapatuloy sa mahigpit na polisiya ng kanyang ama.

Bago ang giyera, libu-libo ang nasawi nang buwagin ng security forces ng Iran ang mga malawakang protesta kontra-gobyerno.

Samantala, umani naman ng direktang pagbabanta ang pag-upo ni Mojtaba mula sa Amerika at Israel.