-- ADVERTISEMENT --

Iniutos ng Estados Unidos ang pag-alis ng mga non-emergency government personnel at kanilang pamilya mula sa Qatar, Kuwait, Bahrain, Iraq, at Jordan habang tumitindi ang tensyon sa Iran.

Isinara rin ang ilang diplomatic missions, kabilang ang US Mission sa Saudi Arabia matapos ang drone attack, at pinayuhan ang mga Amerikano sa ilang lungsod na manatili sa ligtas na lugar. Sa Kuwait, kanselado ang lahat ng consular services hanggang sa susunod na abiso.

Sa Israel, sinabi ng US Embassy na wala itong kakayahang magsagawa ng evacuation, kaya hinikayat ang mga Amerikano na gumawa ng sariling security arrangements.

Ang hakbang ay bahagi ng mas mahigpit na seguridad ng US habang lumalawak ang sigalot sa rehiyon.