-- ADVERTISEMENT --

Bumagsak ang mga piraso ng isang pinabagsak na Iranian “Shahed” drone sa isang shopping mall sa Sharjah, United Arab Emirates (UAE) na nagdulot ng matinding pinsala at sunog, ayon sa mga unang naging ulat.

Makikita umano ang makapal na usok na nagmumula sa gusali, at sinasabing malaki ang naging sira nito.

May ilang residente ang nagpahayag ng pangamba na maaaring may mga tao pa sa loob ng mall nang mangyari ang insidente.

Agad namang rumesponde ang mga emergency team sa lugar.

Patuloy ang operasyon ng mga bumbero upang maapula ang sunog habang nagsasagawa ng inspeksyon at paghahanap ang mga awtoridad.

-- ADVERTISEMENT --

Sa ngayon, wala pang opisyal na pahayag tungkol sa posibleng nasawi o nasugatan.

Inaasahan ang karagdagang detalye habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

Nitong Linggo, March 1, muling nagpakawala ng missile ang Iran sa UAE habang pinaigting ng mga awtoridad ang depensa ng bansa.

Ayon sa mga ulat, gumanti muli ang Iran sa ikalawang araw ng pag-atake ng U.S. at Israel noong Sabado matapos mapatay ang supreme leader ng bansa na si Ayatollah Ali Khamenei.

Dahil dito maaari paraw tumagal ng ilang araw ang pambobomba ng Iran sa Gulf states o mas matagal pa.

Hinikayat naman ng pamahalaan ng UAE ang pribadong sektor na payagan ang mga empleyado nito na mag-work from home sa Lunes at Martes dahil sa nararanasang security situation.