-- ADVERTISEMENT --
Nilinaw ni Manny Pacquiao na ang muling paghaharap niya kay Floyd Mayweather ay hindi isang exhibition boxing fight.
Ayon sa dating eight division boxing champion, na kahit na walang nakatayang titulo ay magiging totoo ang laban.
Dagdag pa nito na kasama itong mauukit sa kanilang boxing record.
Magugunitang huling nagharap ang dalawa ay noong 2015 kung saan natalo ang Pinoy boxing champion.
Isasagawa ang laban ng dalawa sa darating na Setyembre 19 sa Las Vegas.
-- ADVERTISEMENT --











