-- ADVERTISEMENT --

Inanunsiyo ni US President Donald Trump na bibisita sa White House si Japanese Prime Minister Sanae Takaichi.

Sinabi ng US President na itinakda ang pagbisita ni Takaichi sa darating na Marso 19.

Pinuri ni Trump ang pamumuno ni Takaichi kung saan tinawag na isang mahusay na pinuno ito.

Una ng nagkita ang dalawa noong bumiyahe si Trump sa Asya noong Oktubre ng nakaraang taon.