-- ADVERTISEMENT --

Tumaas sa 2% ang inflation rate ng bansa noong Enero 2026, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), mas mataas kumpara sa 1.8% noong Disyembre 2025.

Nananatili pa rin itong nasa loob ng 2–4% target range ng pamahalaan at pasok sa forecast ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na 1.4% hanggang 2.2%.

Ayon sa mga ekonomista, ang pagbilis ng inflation ay dulot ng “base effects” mula sa mababang inflation noong 2025.

Kabilang sa mga salik ng pagtaas ang mas mataas na presyo ng bigas, isda, produktong petrolyo, kuryente, at renta.

May epekto rin ang taunang pagtaas ng excise taxes sa alak at sigarilyo, gayundin ang pagtaas ng water at toll rates.

-- ADVERTISEMENT --

Noong 2025, bumaba ang average inflation sa 1.7%, pinakamababa sa loob ng siyam na taon.

Ngayong 2026, inaasahan ng mga ekonomista na bahagyang bibilis ang inflation ngunit mananatili pa rin sa loob ng target ng BSP.

Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP)inflationPhilippine Statistics Authority (PSA)Trending