-- ADVERTISEMENT --

Umabot na sa 37 ang bilang ng mga nasawi sa paglubog ng MV Trisha Kerstin 3 sa Basilan, matapos marekober ang tatlong bangkay nitong Sabado, Enero 31, ayon kay Hadji Muhtamad Mayor Arsina Kahing-Nanoh.

Dalawa sa mga ito ay lalaki at isa ay babae, na agad naming dinala ng Philippine Coast Guard sa Zamboanga City.

Mula sa orihinal na bilang na 19, tumaas ang death toll sa 37 matapos ang pag-recover ng 11 bangkay noong Huwebes, apat noong Biyernes, at tatlo nitong Sabado.

Sa 37 nasawi, apat pa rin ang hindi pa nakikilala.

Matatandaang ang barko ay lumubog noong Enero 26 habang patungong Jolo, Sulu mula Zamboanga City. Mahigit 300 pasahero ang nakaligtas.

-- ADVERTISEMENT --

Iniulat naman ng Basilan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office ang mga pangalan ng 33 iba pang napatay, kabilang sina:

Alsihal Sawadjaan, Rodel Chiong, Fatma Ayesha Ambutong, Alih Sali, Henry Calim, Farida Baddun, Brenda Birin, Namma Javeir Buclao, Amma Sali Macalangon, Aldin Mashum, Lanka Halim, Hja. Nurunnihar Lee, Nurhaima Ali Musa, Atika Ali Musa, Saudi Janang, Andrea Safarri Wahid, Omar Tahir Jamaluddin, Zaida Abjuran, Nalda Muksan, Nursalyn Muammil, Dayam Awaluddin, Harlene Asgali, Harija Hadjirul, Nurdaya Tawasil, Dina Ambutong, Anisa Mahsom, Mussah Sala, Jomar Miguel, Janeth Lapinig, Junhar Kamman, Dianeeza Sahial, at Reckmar Abtong.

Patuloy ang rescue at recovery operations habang tiniyak ng mga awtoridad ang kaligtasan ng mga nakaligtas at pagpapatuloy ng imbestigasyon sa insidente.