-- ADVERTISEMENT --

Inakusahan ng kolumnistang si Ramon Tulfo si Health Secretary Ted Herbosa ng umano’y tumanggap ng P60 million kickbacks mula kay CWS party-list Rep. Edwin Gardiola, na iniuugnay umano sa panalo sa mga public bidding para sa konstruksyon ng mga ospital.

Ang naturang akusasyon ay ibinahagi ni Tulfo sa kanyang facebook account kung saan sinab nito na mayroon umanng larawang na nagpapakita ng malaking kahon ng salapi na tinanggap umano sa harap ng tirahan ng Department of Health chief, pati na rin ang isang armored na Toyota Land Cruiser na sinasabing ibinigay kay Herbosa.

‘Makikita yung malaking kahon na pinaglagyan ng pera, yung mga kasambahay ni Herbosa na tumanggap ng limpak-limpak na salapi, yung pintuan ng bahay ni Herbosa, at yung armored Toyota Land Cruiser na bimigay din ni Gardiola sa kanya,’ ani Tulfo.

Ayon pa kay Tulfo, lumabas ang mga larawan matapos umano ang hidwaan ng dalawang opisyal.

‘Ayon sa aking tweety bird, dinobol-kros ni Health Secretary Ted Herbosa si Party-list Congressman/Tongtractor Edwin Gardiola kaya’t nilabas niya ang mga litrato. Nagdududa daw kasi si Gardiola kay Herbosa na baka di tumupad sa usapan si Herbosa,’ post pa nito sa kanyang social media.

-- ADVERTISEMENT --

Si Gardiola ay naiuugnay sa mga kontrobersiyal na proyekto sa flood control at iniimbestigahan bilang isa sa mga tinaguriang “cong-tractors,” kung saan iniulat na freeze na ng Anti-Money Laundering Council ang mga bank account na may kaugnayan sa kanya.

Samantala, una nang nahaharap si Herbosa sa iba pang kontrobersiya, kabilang ang graft complaint kaugnay ng P98 million radio program ng Department of Health na sinasabing ginamit umano para sa promosyon ng mga opisyal ng ahensiya.

Wala pang opisyal na pahayag ang mga sangkot hinggil sa mga paratang ni Tulfo.