-- ADVERTISEMENT --

Umabot sa 28 ang nasawi, kabilang ang mga bata at kababaihan, sa Israeli air strikes nitong Sabado sa Gaza, ayon sa lokal na civil defense agency.

Inihayag ng militar ng Israel na ang pag-atake ay tugon sa umano’y paglabag ng Hamas sa ceasefire.

Ayon sa civil defense agency, na na nagre-representa sa Hamas, kabilang sa mga narekober na bangkay ang isang matanda, apat na babaeng pulis, at ilang sibilyan.

Marami pa ang nawawala sa ilalim ng mga gumuhong estruktura.

“Residential apartments, tents, shelters and a police station were targeted, resulting in this humanitarian catastrophe,” ayon kay Mahmud Bassal, tagapagsalita ng agency.

-- ADVERTISEMENT --

Isa pa umano sa mga tinarget ang police station sa Sheikh Radwan district ng Gaza City, kung saan pitong tao ang nasawi sa insidente, kabilang ang apat na babaeng pulis.

Kasabay nito isa pang Israeli air strike ang tumama sa isang shelter sa Al-Mawasi, timog Gaza, kung saan nakatira ang libu-libong displaced na pamilya sa mga tent at improvised shelter.

Napaligiran ng makapal na usok ang lugar, at hindi pa tiyak ang bilang ng mga nasawi sa pag-atake.

Bagama’t halos araw-araw may naiulat na patay sa Gaza mula noong umpisa ng ceasefire noong Oktubre 10, itinuturing na mataas ang bilang ng mga nasawi nitong Sabado.

Ayon sa militar ng Israel, ang air strikes ay retaliation matapos ang insidente noong Biyernes kung saan lumabas mula sa tunnel banda sa timog ng Gaza ang walong Palestinian fighters, na tinukoy ng Israel bilang paglabag sa fragile ceasefire.

Ayon sa Israel tinarget nila ang apat na commanders at ang umano’y bagong terorista mula sa Hamas at Islamic Jihad sa Gaza Strip.

Samantala, sinabi ni Munir al-Barsh, general director ng health ministry ng Gaza, na patuloy ang Israel sa paglabag sa ceasefire “amid severe shortage of medical supplies, medicines, and equipment.”

Tinawag din ng Hamas ang mga air strikes bilang “brutal crime.”

Simula nang magsimula ang ceasefire, iniulat ng health ministry na humigit-kumulang 509 katao na ang nasawi sa Gaza, samantalang apat na Israeli soldiers ang napatay sa parehong panahon sa umano’y militant attacks.

Dahil sa media restrictions sa Gaza, limitado ang independent verification ng casualty figures.

Sa kabilang banda iniulat ng Israel na muling bubuksan ang Rafah crossing sa Egypt sa Linggo, ngunit para lamang sa “limited movement of people.”

Ang pagbubukas ng border ay isa sa pangunahing kondisyon ng ikalawang phase ng Gaza ceasefire, na matagal nang hinihintay ng mga humanitarian organizations.

Kung maalala nagsimula ang Hamas attack sa Israel noong Oktubre 7, 2023, na ikinamatay ng 1,221 katao.

Ang dalawang-taong digmaan ay nag-iwan ng higit 71,769 patay sa Gaza, ayon sa state health ministry.