-- ADVERTISEMENT --
Maghaharap sa finals ng WTA 125 Philippine Womens Open sina Camila Osorio ng Colombia at Donna Vekic ng Croatia ngayong araw, Enero 31, 2026.
Tinalo kasi ni World number 84 na si Osorio sa semifinals si Solana Sierra sa loob ng 46 minuto sa score na 6-0, 6-1.
Habang ang World number 72 na si Vekic si Tatiana Prozorova ng Russia sa semifinals round sa score na 6-2, 6-4.
Ito na ang pangalawang paghaharap sa professional career nina Osorio at Vekic na gaganapin sa Rizal Memorial Stadium.
Sa unang paghaharap kasi nila ay ginanap noong Cincinati 2022 qualifiers kung saan nagwagi si Vekic sa score na 7-6(6),6-3.
-- ADVERTISEMENT --
Magugunitang tinalo ni Osorio ang pambato ng Pilipinas na si Alex Eala sa quarterfinals na ginanap nitong Enero 29.











