Nanindigan ang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na hindi nito kikilalanin ang three-phased elections sa Myanmar.
Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Theresa Lazaro, malinaw ang posisyon ng regional bloc hinggil sa naturang bansa, ngunit bukas pa rin itong pinag-aaralan ang ilang kumplikadong usapin at mga posibleng kaganapan sa kasalukuyang sitwasyon ng Myanmar.
Binigyang-diin ng kalihim na magkakaroon pa ng serye ng mga pagpupulong at diskusyon kaugnay ng naturang isyu, kasama ang mga kinatawan ng Myanmar.
Maalala na isinagawa ng Myanmar ang ikatlo at huling bahagi ng halalan nito bilang bahagi ng isang buwang general elections na inorganisa ng military junta, na nasa kapangyarihan mula nang patalsikin ang administrasyon ni Aung San Suu Kyi noong 2021.











