-- ADVERTISEMENT --

Pumanaw na sa edad na 89 ang Barretto matriarch na si Estrella “Mommy Inday” Barretto nitong Huwebes, Enero 29, 2026.

Kinumpirma ng isa sa kanyang anak na si Joaquin “JJ” Barretto ang balita sa kanyang social media sa pamamagitan ng larawan ng nakasindiling kandila na may caption na, “Rest in peace, Mom. I love you.”

Noong nakaraang linggo, inilipat si Mommy Inday sa Intensive Care Unit ng Saint Luke’s Medical Center sa BGC, Taguig, matapos lumala ang kanyang kalagayan.

Bagama’t hindi pa tiyak ang sanhi ng kanyang pagpanaw, isinawalat noong Setyembre 2024 na siya ay may lupus.

Matatandaang mula unang linggo ng Enero, naka-confine na sa ospital si Mommy Inday, at masusing ibinahagi ni JJ sa social media ang kalagayan ng kanyang ina hanggang sa kanyang pagpanaw nitong Huwebes ng umaga.

-- ADVERTISEMENT --