-- ADVERTISEMENT --

Magkakaroon ng multi-day air exercise ang pwersang militar ng Estados Unidos sa Gitnang Silangan habang pinapalakas ang presensya nito sa rehiyon dahil sa tumitinding tensyon sa Iran.

Ayon sa US Central Command, layunin ng drills na ipakita na kayang magsagawa ng combat sorties ang mga piloto nang ligtas at tumpak, at makipag-operate nang maayos kasama ang mga kaalyado.

Dumating na sa rehiyon ang USS Abraham Lincoln carrier strike group, kasunod ng babala ni Pangulong Donald Trump tungkol sa “armada” na patungo sa Iran at posibilidad ng aksyon militar laban sa rehimen, na nagpapatupad ng marahas na crackdown sa mga anti-government protesters.

Matindi rin ang retorika ng Iran, na nagbabala na anumang pag-atake ay haharap sa malakas na tugon na maaaring magdestabilize sa buong rehiyon. Ayon sa Central Command (CENTCOM), isasagawa ang drills sa pahintulot ng host countries at nakikipag-coordinate sa mga civil at military aviation authorities, tinitiyak ang kaligtasan, tumpak na operasyon, at respeto sa soberanya.

Ilang kaalyadong bansa tulad ng Saudi Arabia at United Arab Emirates ay nagbabala na hindi nila pahihintulutan ang paggamit ng kanilang airspace para sa anumang aksyon laban sa Iran.

-- ADVERTISEMENT --