-- ADVERTISEMENT --
Inanunsiyo ng Commission on Elections (Comelec) ang pagpanaw ng kanilang dating spokesperson at opisyal na si James Jimenez sa edad na 52.
Inilarawan ng Comelec si Jimenez na nagsilbi ring Director IV ng Education and Information Department bilang may integridad at dedikasyon sa pagsisilbi sa institusyon at sa mga Pilipino.
Siya ang nagsilbing pinakamatagal at pinakabatang spokesperson ng Comelec mula July 2006 hanggang September 2022.
Kinilala rin ng poll body ang serbisyo publiko ni Jimenez at ang kontribusyon nito sa election transparency at voter education.
Nagpaabot din sila ng pakikiramay sa mga naiwang pamilya, kaibigan at mahal sa buhay ni Jimenez.
-- ADVERTISEMENT --











