Hawak na ng San Miguel Beermen ang 2-1 na kalamangan sa best of seven PBA 50th Season Philippine cup finals nila ng TNT Tropang 5G 95-89.
Naging agresibo ang TNT sa last quarter kung saan naitala nila ang 10-0 run at hawak nila ang 89-88 na kalamangan sa laro na ginanap sa Mall of Asia Arena.
Subalit nakakuha ng tsansa si CJ Perez at naipasok ang four-pointer sa natitirang 41.8 segundo.
Sinundan pa ni Perez ng three-points sa natitirang 12.3 segundo para tuluyang makuha ng Beermen ang 2-1 na kalamangan.
Pinuri ni San Miguel head coach Leo Austria si Perez dahil sa hindi ito nawalan na focus para manalo.
Nanguna si Perez sa panalo ng Beermen na mayroong 20 points, limang rebounds, apat na assists at isang steal habang mayroong 16 points at 27 rebounds naman si June Mar Fajardo.











