Naipagpaliban ng ikatlong dibisyon ng Sandiganbayan ang nakatakdang arraignment o pagbasa ng sakdal laban kay dating Sen. Bong Revilla at ilan pang akusado sa kasong malversation.
Ang naturang arraignment ay inilipat sa Pebrero 9, 2026, alas‑8:30 ng umaga, matapos ang ilang issue.
Nabatid na ang kaso ay kaugnay ng umano’y partisipasyon ni Revilla sa mga infrastructure projects na pinaglaanan ng milyon-milyong halaga ngunit hindi naman naisakatuparan.
Samantala, nakatakda naman nitong hapon ang arraignment para sa graft charges na bukod na kinakaharap ng dating mambabatas.
Matatandaang si Revilla ay minsan nang naharap sa kaparehong kaso at nakalaya noong 2018 matapos maabsuwelto sa kasong plunder, ngunit nanatiling nakabinbin ang mga kasong graft at malversation.
Ayon sa mga legal observers, ang muling pagharap ni Revilla sa korte ay bahagi ng mas malawak na kampanya laban sa katiwalian.
Sa kasalukuyan, iniimbestigahan din ng Ombudsman ang ilang dating mambabatas na sangkot sa flood control scandal, kabilang ang mga kasong isinampa sa iba pang mambabatas at mga tauhan ng DPWH.










