-- ADVERTISEMENT --

Itinakda ng Sadiganbayan ang paglilitis sa natitirang kasong graft ni Senator Jinggoy Estrada kaugnay sa umano’y paglipat ng mahigit P200 million sa pork barrel funds, sa Marso 10 at Abril 18.

Ito at matapos hindi matuloy ang trial na nakatakda sana nitong umaga ng Huwebes matapos magmosyon ang dalawang kapwa akusado ni Estrada na i-waive ang cross-examination sa kanila ng abogado ng Senador.

Alinsunod kasi sa batas, isinasagawa ang cross-examination upang masubok ang katotohanan ng mga salaysay ng mga testigo sa pamamagitan ng direct examination o pagtatanong.

Kinatigan naman ng anti-graft court ang mosyon ng mga akusado na i-reschedule ang paglilitis sa Marso at Abril.

Matatandaan, noong Oktubre 1, tinanggihan ng Sandiganbayan ang mosyon ni Estrada para ibasura ang kaniyang natitirang graft case dahil sa kawalan ng merito.

-- ADVERTISEMENT --

Noong Enero 2024, naabswelto si Estrada sa kasong plunder subalit na-convict sa isang bilang ng direct bribery at dalawang bilang ng indirect bribery. Subalit binaliktad ng korte ang naturang desisyon noong Agosto 2024 dahil sa kawalan ng ebidensiya.