-- ADVERTISEMENT --
Panibagong tagumpay na naman ang ipinagdiriwang ng P-pop group na SB19.
Sa kanilang social media accounts ay inaunsiyo nila na nakaabot na sila ng 1 bilyon streams sa Spotify.
Pinasalamatan nila ang mga fans at listeners na sumusuporta sa kanilang mga kanta.
Binuo ang grupo noong 2018 kung saan ilan sa mga pinasikat nilang kanta ay ang “Gento”, ” MAPA” , “DAM” at maraming iba pa.











