-- ADVERTISEMENT --

Nakabalik na sa Pilipinas si Pinay tennis star Alex Eala matapos ang pagsabak niya sa Australian Open.

Kinumpirma rin ng 20-anyos na si Eala na ito ay makikilahok sa WTA 125 Philippine Women’s Open.

Sinabi nito na isang malaking kaganapan sa tennis sa bansa ang nasabing torneo sa susunod na linggo.

Nabigyan na siya ng wildcard entry ng organizers ng Philippine Women’s Open at tiyak na ang entry nito sa torneo.

Magsisimula ang nasabing torneo sa darating na Enero 26 hanggang 31 sa Rizal Memorial Stadium.

-- ADVERTISEMENT --