-- ADVERTISEMENT --

Tiwala ang Malacañang na magagampanan ni House Majority Leader Sandro Marcos ang kanyang tungkulin nang patas at walang kinikilingan, kahit pa ang impeachment complaint ay laban sa kanyang ama na si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Ayon kay Palace Press Officer at Presidential Communications Office Undersecretary Claire Castro, hindi nabanggit kung nag-usap na ang mag-ama tungkol sa usapin. Gayunman, malinaw aniya ang palaging tagubilin ng Pangulo sa kanyang anak na gawin lamang ang kanyang trabaho at sundin ang mandato ng kanyang posisyon.

Binigyang-diin ni Castro na walang puwang ang personal na ugnayan sa pagtupad ng tungkulin sa Kongreso at dapat ipatupad ni Sandro Marcos ang mga proseso nang naaayon sa umiiral na mga patakaran, kahit ama pa niya ang sangkot sa reklamo.