-- ADVERTISEMENT --

Natapos na ang kampanya ni Alex Eala sa Australian Open.

Kasunod ito sa muling pagkabigo niya sa women’s doubles kasama si Ingrid Martins ng Brazil.

Hindi nakaporma ang dalawa laban kina Magda Linette ng Poland at Shuko Aoyama ng Japan sa score na 6-7 (7), 6-2, 3-6.

Bahagyang nakabawi sina Eala at Martins sa second set subalit hindi na nila ito naulit pa pagdating ng ikatlong set.

Magugunitang sa unang round din ay nabigo si Eala laban kay Alycia Parks ng US.

-- ADVERTISEMENT --