-- ADVERTISEMENT --
Labis pa rin ang pasasalamat ni Pinay tennis star Alex Eala sa mainit na suporta ng kaniyang mga fans kahit na bigo ito sa first round ng Australian Open.
Kahit na hindi umubra ang 20-anyos na si Eala laban kay Alycia Parks ng US sa score na 0-6, 6-3, 6-2 ay maraming Filipino fans pa rin na nanood sa laro nito ang humanga.
Sinabi ng 20-anyos na si Eala na isang inspirasyon sa kaniyang paglalaro ang mainit na suporta ng mga Pinoy saan man dako ng mundo.
Naniniwala ito na may magandang impluwensiya ito para maitaguyod ang larong tennis sa Pilipinas.











