Nagbabala ang walong bansa sa Europa laban sa bantang 10% tariff ni U.S. President Donald Trump matapos nilang tutulan ang umano’y plano ng Washington sa kontrol sa Greenland, isang teritoryo ng Denmark.
Sa kanilang joint statement, sinabi ng Denmark, Norway, Sweden, France, Germany, U.K., Netherlands at Finland na ang hakbang ni Trump ay “nakakasira sa transatlantic relations at may panganib ng dangerous downward spiral.”
Nagpatawag ng emergency talks ang European Union at sinabing handa silang depensahan ang sarili laban sa anumang economic coercion. Iginiit ng bloc ang solidarity sa Denmark at Greenland.
Sinubukan umano ni Trump gawing leverage ang tariffs para sa negosasyon sa sovereignty at security ng Greenland, na mahalaga sa strategic interests ng U.S. sa Arctic.
Nagkaroon din ng domestic backlash sa Amerika, kung saan tinawag ng ilang senador at dating opisyal ang hakbang na “mapanira” sa relasyon ng U.S. sa mga kaalyado sa NATO.











