Screenshot
-- ADVERTISEMENT --

Iginiit ni Atty. Ade Fajardo, abogado at tagapagsalita ni dating House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, na ang mga alegasyong inilahad ng ilang testigo sa Senado laban sa dating speaker ay “lohikal at pisikal na imposible.”

Ayon kay Fajardo, mismong si Curlee Discaya ang tumestigo sa ilalim ng panunumpa na hindi pa siya kailanman nakapasok sa South Forbes Park, kaya’t imposible umanong may nilapitan o binigyan siya ng anumang utos doon.

Dagdag pa ni Fajardo, ang mga paratang ay nagmula lamang sa mga tauhan ng isang napaalis na tenant at walang kalakip na dokumentong ebidensya. 

Wala rin umanong pangalan ni Romualdez sa alinmang deed, kontrata, o rekord ng bayad kaugnay ng nasabing ari-arian.

Binigyang-diin ni Fajardo na pawang hearsay at posibleng perjured statements lamang ang mga alegasyon, at wala umanong sapat na ebidensya na dapat sagutin.

-- ADVERTISEMENT --

Giit ni Fajardo ang pahayag ng kontratistang si Pacifico “Curlee” Discaya na hindi pa siya kailanman nakapasok sa South Forbes Park, ay sumasalungat sa mga pahayag ng dalawang Senate witnesses na gumamit ng alyas na “Joy” at “Marie.”

“There is no evidence — only hearsay and possibly perjured statements—and therefore nothing to anser,” pahayag ni Atty. Fajardo.