-- ADVERTISEMENT --

Pormal nang inihain ang kauna-unahang impeachment complaint laban kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. (PBBM) sa Kamara de Representantes ngayong araw.

Ang reklamo ay isinumite ni Atty. Andre de Jesus sa Office of the Secretary General ng House of Representatives at inendorso ni Pusong Pinoy Party-list Rep. Jernie Jett Nisay.

Kabilang sa mga reklamong kinakaharap ng Pangulo ang:
Betrayal of Public Trust: Kaugnay ng umano’y pag-surrender kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC).

Culpable Violation of the Constitution: Dahil sa hindi pag-veto sa unprogrammed appropriations sa 2026 national budget at iba pang probisyon sa General Appropriations Act.

Graft and Corruption: Mga alegasyon ng kickbacks at ghost projects, pati na ang umano’y paggamit ng “weaponized” na imbestigasyon ng Independent Commission for Infrastructure (ICI).

-- ADVERTISEMENT --

Unfitness to Serve: Mga akusasyon tungkol sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot.

Ayon naman kay Pusong Pinoy Partylist Rep. Jernie Jett Nisay naniniwala siya sa mga napaloob sa resolusyon dahilan na kaniyang inindorso ang nasabing complaint.

Binigyang diin ni Nisay ng lumapit sa kaniya si Atty. Andre De Jesus at inilatag ang complaint ilang linggo umano nila itong pinag-aralan at batay sa pag aaral ng kaniyang legal team ay pasok ang reklamo dahilan kaniya itong ininderso.

Samantala, kinumpirma ni House Secretary General Cheloy Garafil pormal ng natanggap ng kaniyang oposina ang reklamo at isinailalim sa paunang beripikasyon alinsunod sa itinakdang proseso ng Kamara.

Ang nasabing reklamo ay agad na ipapadala kay Speaker Faustino “Bojie” Dy III para sa kaukulang aksyon, alinsunod sa Konstitusyon at sa mga patakaran ng House of Representatives.

Alas-8:45 ng umaga kanina ng isumite sa Karama ni atty. Andre De Jesus ang complaint.

Mula sa office ng Secgen isusumite ito sa office of the Speaker.

Pagkatapos sa Office of the Speaker iendorso ito sa plenaryo para ipag utos sa house committee on justice kung saan tatalakayin ang nasbaing complaint.