-- ADVERTISEMENT --
Pumanaw na ang Hong Kong veteran martial arts actor na si Bruce Leung Siu-Lung sa edad na 77.
Hindi naman na nagbigay pa ng ibang impormasyon ang mga kaanak nito dahil sa humingi sila ng privacy.
Sumikat ang actor noong 1970 bilang isa sa mga “Four Dragons” ng Hong Kong kasama sina Bruce Lee, Jackie Chan at Ti Lung.
Isinilang bilang si Leung Choi-sang na bukod sa pagiging aktor ay naging stuntman, action choreographer at director.
Nakilala siya sa pagganap bilang si “Chen Zhen” sa classic TV series na “The Legendary Fok”.
Naging kontrabida siya sa pelikulang “Kung Fu Hustle” ni Stephen Chow.
-- ADVERTISEMENT --











