-- ADVERTISEMENT --

Ilang mga personnel mula sa US military Al Udeid Air Base sa Qatar ang pinayuhan na lumikas na.

Ang nasabing hakbang ay kasunod ng pahayag ni US President Donald Trump na maaring manghimasok sila sa nagaganap na madugong kilos protesta sa Iran.

Tiniyak naman ng Qatar na sila ay patuloy nag-iingat para hindi lumala ang tensiyon sa rehiyon.

Ang Al Udeid ay pinakamalaking US base sa Middle East na mayroong 10,000 sundalo.

Magugunitang noong nakaraang taon ng maglunsad ang US ng airstrike sa Iran ay ilang personnel at pamilya nila ang lumikas sa Gitnang Silangan.

-- ADVERTISEMENT --