Muling haharap para sa isang laban kay Donna Vekic ng Croatia ang Pinay tennis star na si Alex Eala.
Magaganap ito sa Kooyong Classic sa Melbourne, Australia.
Nauna nang tinalo ni Eala si Vekic sa ASB Classic sa Auckland matapos ang makasaysayang comeback win na nagtapos sa iskor na 4-6, 6-4, 6-4.
Ang Kooyong Classic ay isang prestihiyosong invitational tournament na nilalahukan ng piling top players bilang paghahanda sa Australian Open.
Kabilang sa mga kalahok ang dating world no. 5 Daniela Hantuchova, Australian bet Priscilla Hon, at mga bigating men’s players gaya nina Alexander Zverev, Alexander Bublik, at Nick Kyrgios.
Para kay Eala, malaking pagkakataon ito upang mas lalong patatagin ang kanyang laro bago ang kanyang unang pagsabak sa main draw ng Australian Open.
Ang rematch kontra kay Vekic ay inaasahang magiging matinding laban na magpapatunay sa mabilis na pag-angat ni Eala sa international tennis scene.
Agad namang umani ng suporta sa Australian fans ang nakatakdang laban ng 20-anyos na Pinay tennis sensation.











