Suspendido ng tatlong laro ang Sacramento Kings guard na si Dennis Schroder matapos umanong komprontahin at subukang saktan ang isa pang kapwa NBA player pagktaposn ng laro.
Bagaman walang pinangalanan ang NBA kung sino ang ang manlalarong kinompronta ni Schroder, na una nang napabalita na ito ay ang Los Angeles Lakers star na si Luka Doncic.
Ayon sa pamunoan ng NBA, hinanap ni Schroder si Doncic sa hallway ng arena kung saan ginanap ang laro at doon ginawa ang pagkompronta, nagkaroon umano ng mainit na sagotan ang dalawang manlalaro.
Samantala, wala namang kalakip na multa ang pagkakasuspende ni Schroder. Habang magsisimula naman ito sa Linggo kung saan makakaharap ng kaniyang koponan ang Houston Rockets, hindi rin ito makakapag laro sa muling paghaharap ng Kings at Lakers pati na rin sa susunod na laban kontra naman sa New York Knicks.
Sa kasalukuyan ay pumapangalawa ang Sacramento sa mayroong pinakapangit na record sa NBA.











