Gumawa ng panibagong double-double si NBA superstar Stephen Curry sa panalo ng Golden State Warriors laban sa Sacramento Kings.
Tinapos ng Warriors ang laban sa score na 137 -103, tangan ang 34 points na kalamangan.
Sa kabila ng maikling panahon na inilagi sa court, nagpasok si Curry ng sampung field goals, anim dito ay pawang mga 3-pointer. Nagawa rin ng 3-point ng Sacramento Kings na magbulsa ng isang steal at dalawang blocks. Sa pagtatapos ng laban, hawak na ni Curry ang 27 pts. at sampung assist.
Muli namang nagpamalas ng impresibong performance ang reserve ng koponan na si De’Anthony Melton sa kaniyang 19 points.
Muling ipinamalas ng Warriors ang impresibong 2nd-half offense. Tanging apat na puntos kasi ang kalamangan ng 2022 NBA champion sa pagtatapos ng unang bahagi ng laro ngunit sa 2nd half, ipinalasap na ng koponan ang 74-34 run.
Walang nagawa ang mga player ng Kings para pigilan ang 55% shooting ng Golden State na nagpasok ng 19 na 3-pointers sa buong laban.
Tanging 24 points at tatlong steal lamang ang naibulsa ng midrange king na si Demar DeRozan, habang 13 points at 7 rebound naman ang triple-double record holder na si Russel Westbrook.
Ang panalo ng GSW ay ang ika-21 panalo nito ngayong season habang hawak naman ng Kings ang 30 pagkatalo at walong panalo.











