-- ADVERTISEMENT --

Bumuo ang mga awtoridad ng isang special investigation team upang imbestigahan at linawin ang mga pangyayari sa likod ng pagkamatay ng bise-alkalde ng Dueñas, Iloilo na sinasabing dulot ng aksidenteng pagputok ng baril.

Sa panayam ng Bombo Radyo sa Iloilo City Police Office (ICPO) Director na si Police Colonel Kim Legada, sinabi niyang siya mismo ang mangunguna sa naturang investigation team.

May mga support unit na tutulong sa imbestigasyon tulad ng Regional Forensic Unit, Regional Civil Security Unit, Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), at La Paz Police Station.

Ayon kay Legada, bagama’t sinasabing aksidenteng pagputok ng baril ang nangyari kay Vice Mayor Aimee Paz Lamasan, masusi pa rin itong iimbestigahan ng mga awtoridad.

-- ADVERTISEMENT --

Dagdag pa niya, kung may makitang ebidensiya na may naganap na foul play, sisiguruhin ng pulisya na may maisasampang kaso.

Nauna nang iniulat na naganap ang insidente sa isang residential village sa Barangay Tabuc Suba, La Paz, Iloilo City noong Disyembre 30.

Batay sa mga paunang report, naghahanda umano ng kanyang mga gamit ang bise-alkalde nang aksidente niyang nakalabit ang gatilyo ng kanyang baril, dahilan upang siya ay tamaan sa kanang bahagi ng kanyang tiyan.

Isinailalim pa sa operasyon si Lamasan, subalit binawian siya ng buhay noong Bisperas ng Bagong Taon habang patuloy na ginagamot sa ospita