Kinumpirma ngayon ng kapulisan ng Australia na ang mga suspek sa pamamaril sa Bondi Beach ay hindi bahagi ng anumang teroristang grupo.
Ayon sa kapulisan na ang suspek na si Sajid Akram, 50-anyos at anak nitong si Naveed Akram, 24-anyos ay walang kinaaniban na terror group.
Nakuha rin nila ang kopya ng CCTV sa pagbisita nila sa Pilipinas partikular na sa lungsod ng Davao at nakitang walang anumang indikasyon na nagsanay sila sa isang terrorist organization hanggang sila ay nakabalik sa Sydney ng Nobyembre 29.
Magugunitang pinagbabaril ng mag-ama ang nagaganap na pagtitipon ng Jewish community sa Bondi Beach na ikinasawi ng 15 katao kasama kabilang ang suspek na si Sajid.
Patuloy pa rin ang ginagawang pagsusuri ng mga otoridad sa ilang mga nakuha nilang ebidensiya.











