-- ADVERTISEMENT --

Isang malaking pile-up na kinasasangkutan ng hindi bababa sa 50 sasakyan ang naganap sa Kan-etsu Expressway sa Minakami, Gunma Prefecture, na nagdulot ng dalawang patay at 26 sugatan.

Ang insidente ay nagsimula sa isang banggaan ng dalawang truck, na nagdulot ng chain reaction dahilan upang lumiyab ang ito at madamay ang hindi bababa sa 10 sasakyan.

Isang 77-taong-gulang na babae mula sa Tokyo ang nasawi, at natagpuan ang isa pang katawan sa driver’s seat ng nasunog na truck. Limang tao ang malubhang nasugatan, habang 21 iba pa ang may mga minor na sugat.

Ang aksidente ay nangyari sa gitna ng malakas na snowstorm at na pinaniniwalaang naging sanhi ng pag-dulas ng mga truck.

Inabot ng pitong oras ang mga bumbero upang maapula ang apoy, habang ang isang bahagi ng expressway ay isinara, na nagresulta sa trapiko sa lugar.

-- ADVERTISEMENT --