-- ADVERTISEMENT --
Itinanggi ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon na kaniyang nabigyan ng authentication ang anumang dokumento na hawak ni Batangas Representative Leandro Leviste.
Sinabi ng Kalihim na wala itong anumang impormasyon ukol sa hawak ng Kongresista at hindi rin nito nakikita ang nasabing mga dokumento.
Una ng sinabi ni Leviste na nakakuha ito ng mga dokumento kay DPWH undersecretary Maria Catalina Cabral bago ito natagpuang patay.
Giit pa ng mambabatas na noon pang Setyembre ay kaniyang nakuha na ang dokumento kung saan alam umano ni Dizon ang mga ito.











