-- ADVERTISEMENT --

Masayang ibinahagi ni Pinoy pole vaulter EJ Obiena ang pagdiriwang ng Pasko ngayong taon kasama ang buong pamilya.

Ito aniya ang unang pagkakataon matapos ang walong taon na kasama ang pamilya sa Pilipinas.

Matapos kasi ang pagkamit nito ng ikaapat na gintong medalya sa Southeast Asian Games sa Thailand ay nagpasya muna itong magbakasyon sa bansa.

Naging malaking hamon para kay Obiena ang taon kung saan na-diagnosed ito ng back injury kaya hindi ito nakasali sa ilang mga malalaking kumpetisyon sa ibang bansa.