-- ADVERTISEMENT --

Ipinagmalaki ng Russia na mayroong silang malawak na lupain ng Ukraine ang kanilang nasakop ngayong taon.

Ayon kay Russian President Vladimir Putin na kanilang nasakop ang Siversk sa eastern region ng Donetsk at Vovchansk na matatagpuan sa northern Kharkiv region.

Kinontra naman nito ng Ukraine kung saan makikita umano sa US based na kumpanya na Study of War (ISW), na malaking lupain pa rin ang hawak ng Ukraine at ito ay kontra sa inihayag ng Russia.

Lahat aniya ng mga ginawang pagsakop ng Russia na mga lugar ay nabawi rin agad ng mga Ukraine.

Magugunitang patuloy ang ginagawang pagsulong ng US ng ceasefire deal para matigil na ang halos apat na taon na giyera.

-- ADVERTISEMENT --