Inihayag ng Philippine National Police (PNP) nitong Huwebes, Disyembre 25, na naging masaya at payapa ang pagdiriwang ng Christmas Eve sa iba’t ibang tahanan at simbahan sa buong bansa.
Ayon kay PNP acting chief Police Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., walang naitalang insidente kaugnay ng mga isinagawang misa dahil sa disiplina ng publiko at maagap na presensya ng kapulisan.
Maalalang nag-deploy ang mga pulisya sa mga simbahan, transportation terminal, at mga pangunahing lugar kung saan ginugunita ng mga Pilipino ang pasko para tiyakin ang kaligtasan ng publiko.
Ani Nartatez na tuloy-tuloy umano ang kanilang pagbabantay simula noong Disyembre 16, para sa pag-uumpisa ng Simbang Gabi.
Naka-Heightened police visibility parin ang hanay ng pulisya sa buong kapaskuhan, kabilang ang pagsalubong sa bagong taon.
Pinuri rin ni Nartatez ang kooperasyon ng mga simbahan, lokal na pamahalaan, volunteers, at mamamayan sa pagpapanatili ng kapayapaan, at hinikayat ang lahat na magdiwang nang masaya ngunit sa ligtas na paraan.











