-- ADVERTISEMENT --

Patay ang tatlong katao kabilang ang dalawang kapulisan sa naganap na pagsabog sa Moscow, Russia.

Ayon sa imbestigasyon ng Investigative Committee ng Russia, sinita ng dalawang traffic police officers ang kahina-hinalang indibidwal na malapit sa kotse ng pulis.

Paglapit ng mga kapulisan sa lugar ay biglang sumabog ang bomba.

Pumanaw ang dalawang pulis dahil sa tindi ng sugat na tinamo kabilang ang isang indibidwal na nakatayo sa lugar.

Nangyari ang insidente kung saan nasawi sa car bombing ang senior Russian general na si Lt Gen Fanil Sarvarov.

-- ADVERTISEMENT --

Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad ukol sa nangyaring insidente.