-- ADVERTISEMENT --

Nananatiling naka-heightened alert ang Philippine Coast Guard (PCG) sa gitna ng patuloy na pagdagsa ng mga pasaherong hahabol na magsisiuwian sa kani-kanilang probinsiya para sa selebrasyon ng Pasko.

Kaugnay nito, patuloy ang isinasagawang maritime safety measures at inspections ng PCG sa mga pantalan sa buong bansa bilang parte ng Oplan Biyaheng Ayos: Pasko 2025.

Base sa consolidated report ng PCG nitong Disyembre 23, nasa mahigit kalahating milyon ang naitalang inbound at outbound passengers sa mga pantalan sa bansa.

Nagsagawa rin ng inspeksiyon ang PCG personnel sa mahigit 2,000 mga barko at 2,000 motorbancas.

Nagpaalala naman ang PCG sa sea passengers na magtungo ng maaga sa pantalan, sumunod sa safety protocols, magsuot ng magaan na jackets kung kailangan at iwasang sumakay sa punuang barko o walang sapat na safety equipment upang maiwasan ang anumang untoward incident.

-- ADVERTISEMENT --