-- ADVERTISEMENT --

Nakapagtala na ang Department of Health (DOH) ng pitong kaso ng firecracker-related injuries o mga nasugatan dulot ng paputok ngayong holiday season.

Ayon sa ahensiya, tatlong bagong kaso ang naitala mula Disyembre 21 hanggang madaling araw kahapon, Disyembre 23.

Mas mababa ito ng 75 porsiyento kumpara sa 28 kaso sa na naitala sa kaparehong panahon noong 2024.

Kung saan apat sa pitong biktima ay edad 19 pababa. Karamihan sa mga insidente ay dulot ng mga paputok na Boga at 5-Star.