-- ADVERTISEMENT --
Ipinag-utos si Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang komprehensibong pagsusuri sa goat breeding program sa Pangasinan.
Ayon sa Commission on Audit (COA), marami sa mga biniling kambing ang namatay noong 2024 dahil sa “kulang sa tamang pagkain at nutrisyon.”
Sa biniling 101 Anglo Nubian at Saanen na kambing, 52 ang namatay dahil sa hindi maayos na pangangalaga.
Ani Laurel, makakatulong ang pagrebyu para malaman ang “technical viability” ng programa at ang mga kinakailangang resources kung ipagpapatuloy ito.
Ang mga biniling kambing ay bilang breeder stock sa Pangasinan Research and Experiment Center sa Sual.
-- ADVERTISEMENT --
Samantala, ipamamahagi naman ng DA ang natitirang kambing sa mga magsasaka sa Catanduanes na naapektuhan ng mga bagyo











