Hindi pinayagan ng Senado ang kahilingan para sa Christmas furlough o pansamantalang paglaya ng kontraktor na si Pacifico “Curlee” Discaya II at tatlong dating engineer ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na sangkot sa kontrobersyal na flood control project.
Ayon kay Senate Blue Ribbon Committee Chair Panfilo “Ping” Lacson, inirekomenda niya kay Senate President Vicente “Tito” Sotto III na tanggihan ang furlough request ng grupo dahil sa security concerns.
Binanggit ni Lacson na may paulit-ulit na pahayag si Ombudsman Jesus Crispin Remulla at si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na maglalabas ng arrest warrants bago mag-Pasko laban sa mga nasasangkot.
Kasama sa hindi pinayagang makalabas si Discaya at ang tinaguriang “BGC Boys” na sina Brice Hernandez, Jaypee Mendoza, at Henry Alcantara, pawang dating DPWH engineers.











