-- ADVERTISEMENT --

Pinalaya na ang natitirang 130 batang estudyante na kinidnap ng mga gunmen mula sa isang Catholic school sa Nigeria noong Nobiyembre.

Kinumpirma ito ni Presidential spokesman Sunday Dare kalakip ng paglalabas ng larawan ng mga bata bilang patunay na sila ay pinalaya na.

Una ng dinukot ang mga estudyante noong nakalipas na buwan nang lusubin ng mga armadong bandido ang St. Mary’s Private Catholic School.

Kabuuang 303 bata ang kinidnap kung saan ang ilan ay nasa 10 taong gulang kasama ang nasa 12 guro.

Nagawang makatakas ng nasa 50 estudyante at nakabalik sa kanilang mga pamilya habang nasagip naman ng security forces ng Nigeria ang 100 kinidnap na mga biktima.

-- ADVERTISEMENT --

Ang nangyaring pagdukot noong Nobiyembre ay ang pinakabagong bugso ng pag-atake ng mga armadong grupo sa mga sibilyang mamamayan partikular na sa mga paaralan kung saan isinasagawa ang malawakang pagdukot para sa ransom.

Hindi naman na bago ang karahasan sa Nigeria na madalas na naitatala sa mga komunidad at tensiyon sa mga katutubo gayundin ang away sa pagitan ng mga magsasaka at nagpapastol dahil sa limitadong access sa lupa at mapagkukunan ng tubig.