-- ADVERTISEMENT --

Iginiit ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) na sobra ang presyo ng karneng baboy sa mga palengke kumpara sa itinakdang maximum suggested retail price (MSRP) ng Department of Agriculture (DA).

Career opportunities

Ayon kay Jayson Cainglet, executive director ng SINAG, nasa P180 lamang kada kilo ang farmgate price ng baboy, kaya’t dapat mas mababa ng P20 ang presyo sa merkado.

Ipinagtataka ng grupo ang pahayag ng DA na maaari pang tumaas ng P1 hanggang P5 ang kada kilo ng baboy, gayong wala namang kakulangan sa supply.

Giit ng SINAG, hindi ang mga magbababoy o ang retail sector ang dahilan ng mataas na presyo, kundi may ibang salik na nagtutulak ng dagdag na halaga.

-- ADVERTISEMENT --

Nanawagan ang grupo na tiyakin ng pamahalaan ang makatarungan at abot-kayang presyo ng baboy para sa mga mamimili ngayong kapaskuhan.