-- ADVERTISEMENT --

Namahagi ang Philippine Coast Guard ng “Bagong Pilipinas goodies” sa isang  daang mangingisda na naninirahan sa lalawigan ng Zambales.

Ang mga “goodies” na ito ay naglalaman ng mga pangunahing pangangailangan tulad ng bigas, oatmeal, at iba’t ibang uri ng de-latang pagkain.

Layon ng hakbang na ito na  magbigay ng suporta at tulong sa mga mangingisda, lalo na sa panahon ng kapaskuhan.

Upang magdagdag ng kasiyahan at pagdiriwang sa okasyon, ang mga tauhan ng PCG na nagsagawa ng pamamahagi ay nagsuot din ng mga sombrero ni Santa Claus. 
Ito ay isang paraan upang iparamdam ang diwa ng Pasko at magbigay ng galak sa mga mangingisda at kanilang mga pamilya. 

Maliban pa rito, ang Coast Guard Sub-Station San Antonio ay aktibo ring nakibahagi sa pagbibigay ng tulong sa mga mangingisda na nasa baybayin ng San Antonio. 

-- ADVERTISEMENT --

Ang buong aktibidad na ito ay alinsunod sa direktang utos ni Pangulong Marcos Jr. na personal na tiyakin ang kapakanan ng mga mangingisda sa buong bansa.