-- ADVERTISEMENT --

Pinapabilisan na ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky sa lider ng European Union na aprubahan na ang planong pagbibigay sa kanila ang mga frozen assets ng Russia.

Ilang buwan na kasing nauubusan na ng cash ang Ukraine at kapag magtatagal pa ay mababawasan na ang paggawa nila ng mga drones.

Halos lahat kasi ng assets ng Russia na nagkakahalaga ng katumbas ng mahigit P15-trillion ay nasa Euroclear na isang Belgium-based organization.

Una ng nagbanta ang Russia sa EU na huwag gamitin ang kanilang pera para pondohan ang Russia.

Sa ngayon ay pinag-aaralan pa rin ng EU ang nasabing plano para matulungan ang Ukraine.

-- ADVERTISEMENT --