-- ADVERTISEMENT --

Muling gumawa ng kasaysayan si Pinay tennis star Alex Eala sa nagpapatuloy na 2025 Southeast Asian Games matapos nitong ibulsa ang gintong medalya sa women’s singles event.

Gumawa ng isang masterclass performance ang Pinay athlete laban kay Mananchaya Sawangkaew, ang pambato ng host country na Thailand.

Sa simula pa lamang, dominado na ni Eala ang unang set at ipinoste ang 6-1 sa pagtatapos ng unang bahagi ng laban. Sinundan niya ito ng 6-2 win sa ikalawang set, daan upang tuluyang selyuhan ang laban.

Ito ang unang gintong medalya ng Pinay star at ang unang gintong medalya rin ng Pilipinas sa SEAG women’s singles tennis category, mula noong 1999.

Sa kasaysayan ng Pilipinas, si Eala ang ikatlong Pinay na nagbulsa ng gintong medalya sa naturang event.

-- ADVERTISEMENT --

Una itong nakuha ni Pia Tamayo noong 1981 SEAG na ginanap sa Manila at sinundan ni Maricris Fernandez nong 1999 games na ginanap sa Brunei.

Hawak ni Eala ang ika-52 pwesto sa Women’s Tennis Association